17 days na siyang hindi nagte-text. Hindi ko alam kung galit siya sa akin o ano man. At hindi ko rin alam kung tama pa ba ang ginagawa ko.

Posted by goodnight on January 12, 2012 at 11:28 PM | Add a Comment

naiinis na ko sa kaniya. since friday, di pa siya nagte-text. ang sabi niya kasi, baka mag-out of town or country siya from dec 30-jan 1. yun ang huli naming napag-usapan noong pumunta ako sa kanila noong pasko para ibigay ang regalo ko.

tinanong ko siya noong friday, 10 am, kung nasaan siya. home. yun na yun. hanggang ngayon, di na nasundan. binati ko siya ng happy new year kahapon. ayun, deadma.

ano ba ang nangyayari sa'yo? buhay ka pa ba? ayoko namang tawagan ka at magmumukha na akong sobrang invasive sa'yo. ayoko rin sa facebook kasi malamang di mo rin na-che-check account mo.

ang pakiramdam ko, inis ka. yung ibinigay kong bday gift mo, natuwa ka. pero nung pasko, di ka man lang nagpasalamat.

ang hirap mo talagang ispelengin!

Posted by goodnight on January 2, 2012 at 03:57 PM | Add a Comment

Yun na siguro ang isa sa mga pinakamasasayang araw sa buhay ko. Ang makasama siya mag-isa sa kotse ko, long drive, kwentuhan.

Ganito ang nangyari. Noong Monday, December 19, sinabihan ko siya na dadaan ako sa office niya kasi may ibibigay ako sa kaniya. Yun yung time na nasa bahay pa siya. Ang sabi ko sa kaniya, dadaan lang talaga ako at uuwi na rin. Nasa parking ako na medyo may kalayuan sa office niya, mga 10 minute walk. Noong lunch na niya, tumawag siya sa akin, tinanong kung nasaan ako. Sabi ko kakababa ko lang sa parking. Sabi niya, half day daw siya, at siya na lang ang pupunta sa akin. Okay, sige, hintayin ko siya. At that time, di ko pa rin maintindihan kung bakit siya half day.

Anyway, dumating na siya, at may dala-dala siya. Nagulat ako kung ano yun, Christmas gift na pala para sa akin. Noong umaga, ang text niya is wala pa siyang christmas gift para sa akin. Ang sabi ko sa kaniya, hindi ko siya bibigyan ng Christmas gift.

Gusto ko yung suot niya. Black dress na above knee.

So ayun, ibinigay ko sa kaniya ang too-late birthday gift niya. Nail art stamp yun na binili ko sa greenhills noong isang linggo. In-order ko lang yun online at nakipagkita. Anyway, hindi niya binuksan sa harap ko.

Nagte-text siya nung nasa may parking kami. Kaya pala siya half day eh dahil may sasamahan siya dapat na mamili sa divisoria. Eh ang kaso, yung babae na sasamahan niya, sa lalaki na lang nagpasama. So inis na inis itong kaibigan ko. Sabi ko, tara, gala tayo. Tanong niya, where? Out of the blue, nasabi ko na Tagaytay. Um-oo naman siya. Tumingin muna siya sa gas ko at 3/4 pa ang load ko. Sabi ko sa kaniya, since hindi pa ko nagpupunta ng Tagaytay on my own, di ko alam ang daan, so dapat ituro niya. Okay naman siya.

So ayun, drive kami sa Slex. Aminado naman ako ng mabagal akong mag-drive lalo na nung time na yung kasi nga hindi ko alam ang daan. May time pa na gusto kong um-overtake sa mga tricycle pero nabibitin ako.

Tumawag pa ako sa officemate ko, nung magbabayad na ako ng toll, kung ano yung kinainan namin dati. Ayun, Leslie's. Natandaan ko lang yung L.

Medyo matagal kami sa pag-order, kasi madami pa ding table na hindi pa nase-servan. Usap-usap tungkol sa work, kung ano-ano.

Ako ang nagbayad ng bill habang nasa CR siya. Since wala naman talaga akong balak na pumunta sa kung saan, wala akong cash kaya credit card lang. Di kami bumili ng souvenir or anything na makakain sa daan. Nag-offer siya na magkape, may alam daw siyang kapihan pero ang alam lang niya ay nasa kanan ito. Okay, sige, maaga pa naman, kahit na noong time na yun, mga 4:30 pm na, yun yung time na patulog na ako.

Bag of beans, yun yung name ng place. Medyo tago talaga siya. Okay naman ang parking ko, kahit medyo puno yung place. Doon kami sa labas. Gala-gala muna kami. Ang in-order ko, banana split na hindi ko halos maubos-ubos, at machiatto, at siya ay coffee na di ko na matandaan tsaka blueberry cheesecake na medyo matigas although para sa akin eh medyo matabang.

Mas meaningful ang usapan namin doon. Napatawa ko rin siya dahil doon sa mga ginagawa ni Siri sa iPhone. Usually pa, magkatapat kami pag nag-uusap, tulad nung nasa Leslie's kami. Pero nung nagkakape na kami, magkalapit na kami. Since medyo nilalamok siya, nagpaypay ako sa kaniya, sa may legs niya.

Ako na ang nagyaya na umuwi na kami. Busog na busog na talaga ako, wala na halos paglagyan ang tiyan ko. So siya na ang pinag-drive ko, para kung makatulog man ako sa puyat at pagod eh at least siya ang nagda-drive. Nagoffer na ayusin ko yung matting ng driver's seat pero sabi niya, it's okay. Magaling siyang magmani-obra.

Ang sabi pa niya, mas behaved na nga daw siya ngayon kesa sa dati. Dati kasi, wala siyang pakialam sa mga sasakyan.

Ilang metro malapit sa bahay nila eh tumigil kami. Actually, nagtaka ako kung bakit siya tumigil, yun pala eh gusto niyang tapusin yung trivia about animals sa 99.5 RT. nakakatuwa, pero ito rin ang same station na nag-advise sa amin na traffic sa buendia one time na lumabas kami.

Ako na ulit ang nagyaya na ihatid na siya. Too bad, I wasn't able to kiss her goodbye.

Posted by goodnight on December 24, 2011 at 08:07 PM | Add a Comment

Mahigit isang linggo na tayong walang communication. Walang FB, walang text, walang email. Sadya ko yun. Alam ko, ikaw ang babae, ikaw dapat ang sinusuyo, pero tingnan natin kung sino ang unang bibigay.

Alam mo ba kung ano ang iniisip ko the past few days? Na matitikman din kita. Alam ko, madami ng instances na nagpakita ka ng motibo pero hindi ko iyon nabasa. Ngayon lang nagsi-sink in lahat na iyon pala ay gusto mong makipagsex. Nung nainis ka noong inumaga tayo sa McDo talking about motels na malapit lang naman. Noong pinuntahan kita sa inyo noong Pasko at ikaw mismo ang nagpoint out na may misle toe sa pinto nyo. At of course, noong nasa Sogo tayo na ang tanging ginawa ko lang ay nilamas ko boobs mo at saka dinilaan nipples mo.

Next time na maginuman tayo, na tayong dalawa lang, hindi na kita papakawalan. I'm gonna fuck you all night. Things may not as what I have intended but at the very least, may mangyayari din sa atin. Tamang inom lang, todas ka sa akin.

Currently feeling: horny
Posted by goodnight on September 7, 2011 at 02:05 AM | 2 comments

Noong Biyernes ng hapon ay nagbalak kaming mago-officemate na manood ng sine at maginuman afterwards. Alas 4 ang labas naming lahat. The night before ay niyaya ko, through text, ang babaeng nililigawan ko. Mahirap na pilitan pa yun kasi may pupuntahan siya ng 5 pm, at medyo malayo sa office ang pupuntahan niya. Pinilit ko pa siya na kung nasaan man siya ng 5 ay susunduin ko siya. Sabi niya, nasa Megamall siya ng mga ganoong oras.

Since ang labas ko ay 4, kailangan ko pang maghintay para lumabas at magdrive papunta sa Megamall. Ayaw kasi nung babae na pinaghihintay siya, kaya mabuti nang mauna ako doon at maghintay kaysa sa siya pa ang panghintayin ko. Nagpagasolina at nagpabomba muna ako, C5, tapos ay yung doon sa may Hypermarket ako kumanan papunta sana ng Megamall. Actually, never pa akong nag drive papuntang Megamall. Kaya nagdire-diretso lang ako. Napunta ako doon sa Building B ng Megamall pero hindi ako nagpark doon. Nagdrive pa ako ng diretso. Nareceive ko ang tawag niya na hindi na siya tutuloy ng Megamall, bagkus ay hindi na lang siya sasama at uuwi na lang. Pinilit ko talaga. Kaya ayun, nagdrive ako pabalik ng C5, balik sa pinanggalingan at pumunta ng The Fort.

Ang sabi nung babae, pumunta daw ako sa Starbucks drive through na malapit sa MC Home depot. Nakita ko na ang MCHD pero nalampasan ko ang Starbucks. So ikot ako. Ganoon din, balik lang ako sa dati. Sa pangalawang ikot at nagtanong na ako kung saan ang Starbucks. 2 beses akong nagtanong. Noong andun na ako, sinabihan ko na siya na lumabas.

So drive kami palabas ng The Fort. Siya pa ang nagturo ng direction. Naglaro pa siya ng iPad na hiniram niya sa housemate niya. Super traffic sa C5, papunta sana kami ng Antipolo. Nasa ibabaw kami ng flyover nung makita ko na hindi naman gaanong traffic sa Rosario. Kaya nag U-turn ako sa unang u-turn pagkababa ng tulay. Noong nasa Ortigas na kami ay tumawag ang officemate ko, naghihintay sa mall na malapit sa Antipolo. In the end, napagkasunduan na doon kami sa isang bar sa Ortigas Extension magkikita. Doon nga kami nagkita-kita at pinag-usapan naming tatlo na doon kami sa isang resto sa Sumulong highway, overlooking Metro Manila, pupunta. Natuwa ang nililigawan ko. So ang nangyari, convoy kami ng officemate ko papunta doon sa garahe niya, para sa isang kotse na lang kami sasakay. Malapit lang naman, wala pang 5 minutes.

Drive ako ngayon papuntang Sumulong highway. Inuman, kain, kwentuhan. Siya ang nagbayad - 1, 700. Pero okay lang yun. Fair lang yun sa tingin ko, kasi may utang siya sa akin. I mean, not directly utang pero minsan kasi may mga lakad kami na dapat tigisa kami magbabayad pero ang nangyayari eh ako ang sumasagot.

Nagdrive ako ulit noong pauwi na kami. Siya pa ang may alam kung paano ihigh yung ilaw ko sa harapan. Matapos kong idrop off yung office mate ko sa Ortigas, diretso naman ako sa bahay ng babae. Hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan namin pero may time na nasabi ako na pumunta kami sa motel. Napatingin siya sa akin, walang sinabi, pero tingin lang. Since nagda-drive ako, hindi ako tumingin sa kaniya. Tapos iba na ang topic.

Wala namang aberya noong inihatid ko siya. Walang goodbye kiss. At ang maganda, noong papauwi, hindi ako naligaw. Actually, may sinundan lang akong dalawang sasakyan. Traffic sa dinaanan ko. Alas 2 ng umaga yun ha. May ginagawa kasi sa daan.

Noong makaalis na ako sa traffic, sa unang intersection, walang traffic light, hindi ko napansin na may taxi na nasa kaliwa ko. Dire-diretso siya at as in sa harapan ko. Akala ko ay walang tama ang sasakyan ko pero later on, noong nagpapagasolina ako, doon ko narealize na namumuti ang hood ko, above the plate number.

Wala namang gasgas. Natanggal lang talaga ang pinta. Ang sabi ko sa sarili ko, hindi ito pwedeng makita ng nanay ko. Kaya ang balak na nabuo sa akin ay kapag malapit na ako sa bahay ay ia-apply ko yung coloring paste. Effective kasi yun kapag may namumuti sa kotse.

Actually, nahihilo na ako sa pagda-drive, kahit na 6 na bote lang ata ng San Mig Light ang ininum namin. Ang sabi ko sa sarili ko ay kaunti na lang.

Dumating na ako sa bahay. Apply ang paste. Okay. Eto ngayon ang nahirapan ako. Ang pagpasok. Dapat kasi pa-diagonal ang pagpapark ko. Ang pinagtuunan ko ng pansin ay yung kaliwang harap. Hindi ko napansin na nasa pader na pala ang kanang likod. Ayun, gasgas. May tama ang pinto. May tama ang likod. At hindi siya nasulusyunan ng paste. Inis na inis ako sa sarili ko. Putang ina naman eh.Okay na yung harap, as in flawless, tapos eto ngayon ang tagiliran.

Pero there is no point of crying over the spilled milk. Di ko muna ipapaayos ito. Ang sunod kong paayos eh whole body paint na. At kailangan kong pagipunan - hindi dapat ito manggaling sa regular na sweldo. Dapat sa OT o kaya sa mga raket.

Posted by goodnight on July 6, 2011 at 07:40 PM | 1 comments
« Newer · »